wishing lampara…

sana ako’y may wishing lampara na magbibigay sa akin ng tatlong kahilingan. unang hihilingin ko na magkaroon pa ako ng sampung kahilingan pa. bale magiging dose na ang kahilingan ko. smart? alam ko yun.

pangalawang hiling ko. sana magsara na ang Citibank? a good move? i guess.

pangatlong hiling. sana magkaroon ako ng limpak limpak na salapi na kahit pagsamahin mo ang kayamanan ni Bill Gates at ni Manny Villar ay di pa rin nila kayang tapatan ang aking nag-uumapaw na kayamanan. LOL.

pang-apat na hiling. bale may natitira pa akong hiling na walo. madami pa yan. smart nga ako di ba? sulitin na natin kasi imbentong kwento lang naman to. walang nasaktan o namatay. sa pang-apat ko, hmmm.. sikretong malufet. hahaha. syempre blog ko ‘to, walang pakialamanan.

pang lima, gusto kong magkaroon ng permanenteng gupit. ung tipong hindi na hahaba pa at nagugulo, di na kailangang mag-hair-dry at mag wax. parang si Astroboy lang.. kahit lumilipad hindi nagugulo ang buhok. lol

pang anim, masira lahat ng mga buses at jeep sa manila. bawas trapik. nakatulong pa ako sa mga galit sa trapik.

pang pito, sana magkaroon ng batas na ipagbawal ang motor sa kalye. I-ban ang motor. dapat sa loob ng bahay na lang ito at gawing pang-gatong. bawas aksidente, at wala na ring mga ma-eepal sa kalye na akala mo nabili nila ang buong kalye sa asal nila.

pang walo. madrama. hindi ko isusulat. LOL.

pang siyam. hihingi ako sa wishing lampara ng TIME MACHINE, gusto ko ay yung digital, de remote at rechargeable. gagamitin ko ang Time Machine na yun para bumalik sa lumang panahon, nung tipong kasikatan ni Justin Bieber. LOL

pang sampu. sana may magbigay sa akin ng Ford Focus. Pero teka.. di ba humingi na ako ng limpak limpak limpak limpak na salapi mula kay wishing lampara? kung tutuusin, pwede naman ako bumili ng maraming kotse. sabi ko nga walang pakialamanan. saka mahal ang tax ng kotse ayoko magbayad nun.. LOL

pang onse. lahat sana ng stalker ko, yung mga nag-aabang ng ipo-post kong mukha ko sa blog ko ay maging kamukha ko na. para makuntento na sila. Di naman kasi ako superstar para i-stalk nyo. hahaha

pang dose.. last wish ko na. smart nga ako di ba? hihingi ulit ako ng sampung hiling. anlupet!

Tags:

Leave a Reply