Noynoy wins! Pero hindi mawawala ang mga bitter at sumisigaw na nadaya sila.
Nangunguna si Madrigal. Hindi pa rin makapaniwala ang talunang si Jamby Madrigal na natalo sya at nakakuha lamang ng tumataginting na 42,000 votes. Kung popularity lang naman ang pag-uusapan, di hamak naman na mas sikat si Jamby kay Delos Reyes, isa ring talunang kandidato na nakakuha lang ng 40,000 votes. Pero mas sikat si Perlas kay Ja-ja-ja-jamby! Naka 49,000 votes si Perlas, lamang sya ng pitong libo kay MADrigal.
Ang tatlong ‘to, sumisigaw ng katarungan. Nagkaroon daw ng iregularidad nung eleksyon. Oo nga naman, akalain mong umabot pa kayo sa eleksyon. Yun pa lang iregularidad na.
Mas malakas ang Noy-Bi kesa sa Noy-Mar. Humabol sa huling sandali si Binay, naungasan naungusan niya si Mar Roxas. Ito naman kasing si Pareng Chiz, mahilig sa may B. Ang sabi ng Liberal Party, lamang daw si Mar Roxas sa bilangang ginawa sa Partido nila. Alin po ba ang binilang nyo?
Kung lamang si Mar Roxas base sa unofficial Count ng Liberal Party. Di hamak na si Jamby Madrigal naman ang lamang sa unoffical count ni Jamby Madrigal mismo. Eh kaya pala nagrereklamo.
Ang talunang si Lito Atienza naman, sabi ay nadaya siya. Ang sabi kasi sa hula, malas magsuot ng bulaklaking polo sa eleksyon. Matigas kasi ang ulo! Tsk! Tsk! Tsk!
As of press time, hayup na “as of press time” na yan! Alam na daw ng Comelec kung sino ang panalong Bise-Presidente. Secret daw! Walang Clue! Pero sabi ni Chiz, may “B”.
Ayaw muna sabihin ng Comelec, baka daw kasi mapurnada, magalit pa ang Kongreso. Eh pa’no yan, may witness na naka-maskara at sinabi na may dayaan? Binawasan daw ng 4 million votes si Erap at napunta kay Noynoy. Hindi kaya nabawasan din ng boto ang ating bida na si Jamby Madrigal? ilang milyon kaya?
Tags: basura, Ja-ja-ja-jamby!, kupalista, Noynoy, politics
