cubao
kasalanan ko ba kung hindi ako at home sa cubao?
kasalanan ko ba kung ang tingin ko sa gateway ay isang masikip na mall at walang masyadong makikita duon?
kasalanan ko ba kung bakit tamad akong maghanap ng parking sa cubao?
alam mo rin na ayaw na ayaw kong napapadaan sa aurora. bukod sa puno ng hinayupak na jeep, masahol pa sa EDSA ang trapik dito.
magbabago ba ang istorya ng pelikulang papanuorin natin kung sa gateway tayo manonood kesa sa trinoma?
ano ang pinagkaiba ng Superbowl sa gateway at ng Superbowl sa Trinoma?
malapit sa Trinoma ang tinitirhan ko, bakit pa ako pupunta sa cubao para lang manood ng sine?
kelanman ay hindi ko nakaugaliang tumambay sa cubao… malamang sa mga susunod pang taon hindi pa rin ako mapapadalas sa lugar na yan.
kasalanan mo cubao.
Tags: kwentong walang kwenta

May 19th, 2010 at 9.46.pm
hello, libre kaya mag-park pag-gabi sa cubao.
sa kalye nga lang.
lolz
May 19th, 2010 at 9.56.pm
libre nga… pagbalik mo wala na ung isang gulong mo
May 27th, 2010 at 9.30.pm
Ay. Choosy
Hahaha
May 28th, 2010 at 12.26.pm
hindi naman.. di lang talaga ako sanay sa Cubao