Virgo 2010 – hula ni Mang Kepweng

mang_kepweng

Horoscope ko para sa taong 2010 galing kay Mang Kepweng:

Ang sabi ng bolang kristal na may tatak na Red Horse, magkakapera ka. Malamang sa malamang ay every 15 days kang makakatanggap ng pera. Bukod dun, ang taong ito ay maswerte para sa iyo dahil makakatanggap ka ng malaking pera bago matapos ang taon. Masuwerte ang numerong 13 lalo na sa buwan ng Disyembre. May mga business proposals na darating, ‘yan eh kung may darating. Kung wala namang darating, nagkamali ako ng hula. Makakabayad ka na rin ng mga utang mo dahil sinisingil ka na nila. Wag mong isnabin ang mga taong pinagkakautangan kung ayaw mong makulong.

Iwasan ang mga letrang T, A, at X dahil nakakapag-init ito ng ulo.

Ang taon na ito ay magiging maswerte sa iyo dahil marami kang mapapatumba. Lumabas kasi sa aking bolang kristal ang hugis bote na kulay brown at nakatumba, may tatak itong kabayo. Mahihilo ka at magkakaroon ng hangover lalo na pag sabado.

May nakikita akong passport. Magiging abala ka sa sa mga susunod na buwan, pupunta ka sa isang ahensya ng pamahalaan. Nakikita ko ang mga letrang D, F at A. Maganda ang taon na ito para bumiyahe. Nakikita ko ang isang lugar na maraming tao at mga kotse. May mga nakapila. Kelangan mo na i-renew ang rehistro ni Henyetah. Bibiyahe ka ng madalas, nakikita ko ang isang Tren at mga katagang “Stored Value Ticket.”

Madalas kang maliligaw dahil hirap ka sa mga direksyon. Ultimo kanan o kaliwa ay nalilito ka. Kelangan mo ng mapa.

May darating na sulat. Pero hindi magandang balita ang dala nito. Bill kasi ito ng Meralco at ng iyong telepono. Mag-ingat sa mga mandurukot, huwag tatanga tanga para di ka madukutan. Umiwas ka sa mga lugar na tulad ng Quiapo at Divisoria dahil hindi mo alam ang papunta roon.

H’wag pagurin ang sarili lalo na pag gabi. Kung minsan ay nasa ilalim ka, pero madalas ay nasa ibabaw ka. Ganun ang gulong ng kapalaran kaya maging laging handa. Umiwas sa sakit. Maganda ang nakikita ko sa iyong kalusugan. Iwasan mo ang mga pagkain na tulad ng Balut, Chili con Carne at mga Japanese food dahil hindi mo sila gusto.

Maswerte ang mga numerong 0 hanggang 9. Mamili ka na lang kung ano ang nararapat. In any order. Right minus wrong. Ang kulay Blue ay maswerte rin sa iyo lalo na kung may mga pangalang Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim na nakasulat dito. Umiwas sa mga malas, kasi mamalasin ka. Huwag masyadong makinig sa mga bumubulong sa iyo lalo na kung may mga sungay ito.

Umiwas sa mga dagat. Malalim ito, di ka pa naman marunong lumangoy. *rolls eyes* Mas maigi na tumambay na lang sa dalampasigan at huwag ng magyabang, baka lalo ka pang mapahamak sa mga kalokohan mo.

Hwag masyadong maging emosyonal. Umiwas ka sa tukso, malas ang mga babaeng tumatambay sa Quezon Ave dahil pera lang ang habol nila sa’yo, katawan lang din naman kasi ang habol mo sa kanila.

Lucky Flower: flower :naughty:
Lucky Fruit: Dole.
Lucky Card: Citibank.

Kung gusto mo ring magpahula kay Mang Kepweng. I-text lang ang mga sumusunod.

<eow_mang_kepweng_hulaan_moh_poh_qoh_tenchu><space><name><space>
<nickname><space><sex><space><address><space><telephone_number>
<space><fax_number><space><mobile_number><space>
<work_experience><space><favorite_hang_out><space><motto>
<space><date_of_birth><space><place_of_birth><space>
<favorite_color><space><what_is_love><space><first_crush>
<space><dedication><space><question><credit_card_number>
<space><atm_pin><space><email_address><space>
<email_address_password>

at isend sa 2366886671293474587997347834934734671900099873487. libre ang magpahula.

text na :rotfl:

Tags: ,

Leave a Reply