some useless thoughts

HomerSimpson38

Kung iisipin at kung babalikan mo… matatawa ka na lang sa mga nangyari sa mga nakalipas na taon. Kung iisa-isahin mo ang mga importanteng nangyari sa buhay natin, isa-isa mo rin silang panghihinayangan at malamang sa pagtawanan mo rin.

Life was much more simple when we’re young. No complications whatsoever to disturb your resting head. Walang masyadong iniisip na problema. Walang iisiping bukas.. ni walang malay sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.

Maaga ako namulat sa responsibilidad, well at least sa tingin ko ganun. Ganun pa man, hindi naman nawala sa akin ang aking kabataan. Sa tingin ko na-enjoy ko naman ang maglaro nung bata ako. Nasobrahan ko pa nga siguro.

Hangga’t sa lumaki, nagka-isip, tinubuan ng buhok sa kilikili, at mag-graduate sa kolehiyo. Hanggang sa magka-trabaho.

Hindi rin naman naging madali. Kelangan mo matutunan ang pasikot sikot sa kagubatan. Kelangan mo ring lumaban para mabuhay. Survival of the cutest kumbaga. Oh, did i just write survival of the fittest?

Sa edad kong 23. fyi. LOL. siguro naman nalampasan ko na ang lahat ng dapat lampasan at wala na akong dapat patunayan sa mundo. Trip ko lang isulat. Blog ko ‘to.

Anyway, ang punto ko sa entry ko na to eh wala naman talaga, wala lang talaga akong maisip. Nasobrahan ata ako sa pahinga ngayong araw na ito kaya hindi na naman gumagana ng tama ang utak ko.

Sana next time may matino naman akong maisulat, di tulad ng walang kwentang entry na ‘to.

Have a great weekend reader. :!:

3 Responses to “some useless thoughts”

  1. Richard says:

    @Urico 23 lang talaga ako :rotfl:

    @iweesh kokontra pa eh. Blog mo ba ‘to? :peace:

  2. iweesh says:

    23 ka dyan! :biset:

  3. Urico says:

    Hindi ba 33 yrs. old?! hehe ;-)

Leave a Reply