May magugulat na lang..

Na ang hinihintay ko ng mahigit na isang buwan ay dumating na. Na hindi na ako magtatanong sa sarili kung bakit haggang ngayon ay di ko pa ito natatanggap. Kahapon binigay na sa akin ang dapat na noong isang buwan pa binigay, pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang ito. Dahil ba hindi ko pa tapos ang hinihingi nyo? O dahil ba hindi ako karapat dapat?

Mahigit isang buwan ko din itong dinala dahil kailangan ko rin ng seguridad kahit papano. Naisip ko.. hindi lang naman kayo ang pwedeng magbigay nun. Nung dumating ang isa pang pagkakataon. nung mangako ang isa pang tao ng seguridad.. bigla ko kayong naisip.. sana nagbigay kayo agad ng kumpirmasyon .. pero di pa naman huli ang lahat. Nandiyan pa rin ang pangako ng isang nakakataas na hindi ko rin naman pwedeng ipagwalang bahala. Ngayong nakita ko na ang mga bagay na pwede niyong ibigay, na sa tingin ko ay pwede na, pero hindi isang bagay na ikakagulat ko. Hindi isang bagay na hindi ko kayang tanggihan. Sa ngayon.. kayo ay pwede na.

Hinihintay ko pa ang isang pangako ng nakakataas kung kaya ba nya higitan ang naunang nagbigay ng pangako. Ikaw ba ay sulit para iwanan ko ang kasalukuyan. Kaya mo bang pangatawanan ang mga pangangailangan ko. Alam ko ang kapasidad mo, malaki ang maitutulong mo sa sitwasyong pang pinansyal sa akin dahil noon pa.. ikaw na ang sandalan ko sa bawa’t gipit at ipit na pagkakataon. Sa ngayon.. hinihintay ko rin ang bagay bagay na ipinangako mo sa akin.

—–

Mali mali ata ang mga linya ko.. hehe. Anyway, it’s a job offer from a boss. Kung kaya nilang higitan ang offer ng company kung saan ako nagtratrabaho, baka anytime ay magresign ako sa kanila. Alam ko hindi enough ang current na sweldo ko.. hindi enough kasi madami akong binabayaran.. wahahaha

But then again, if i want long term security.. my current employer can provide that. My US boss can’t? I dunno.. i still have to wait for his offer.. then i’ll decide. For now.. my regularization in my current one is final. They have given me the offer and indeed an offer my US boss can topple. Basta pag dumating ang notice nila… may magugulat na lang.. hehehe

2 Responses to “May magugulat na lang..”

  1. Richard says:

    wahahaha.. buti nga naregular ako eh.. :lol:

  2. kimpoy says:

    ayun naman. regular na! yebah! iinom na yan. :lols:

    congrats, mokong.

Leave a Reply