Open letter para sa akin…
Mahal kong Richard,
Kamusta na kumag? sana pogi ka pa rin……….. tulad ko. Sana magka-syota ka na ng hindi na lang puro fling. Kamusta na yung kinukwento mong dini-date mo? May nangyari na ba? Balita ko kasi nagkita kayo last weekend.. Totoo ba yun? Sigurado ka bang dini-date mo sya? Pano ka makaka-first base nyan kung puro ka na lang pa-cute?
Sya nga pala.. last weekend daw medyo matamlay ka? Bakit naman? Nabasa ko sa huling post mo na puro ka naman gimik… yan ba ung matamlay? Sa tingin ko kasi may problema ka.. buti na lang naka-usap mo ang ex mo kaya mukhang masaya ka na naman. Mag-move on ka na tsong.. baka tumandang binata ka nyan.
Hindi mo pa kinukwento ang problema mo.. ano nga ba yun? Sa tingin ko may bumabagabag sayo.. hindi kaya na-basted ka? Hahaha. Sana hindi.. kasi hindi mo kayang i-handle ang mabasted. Pero imposibleng mabasted ka.. tanga na lang ang babaeng babasted sa’yo. Pogi ka na nga.. mahaba pa… ang iyong pasensya. Ano pa ba ang hahanapin nila sa’yo? Pero ayon sa bali-balita.. hindi ka lang masaya ngayon.. may kursunada ka na naman siguro na di mo makuha-kuha.. nyahaha.. Magpakabait ka na kasi.. wag yang puro kalokohan ang inaatupag mo.. tignan mo ako.. puro trabaho lang ang inaasikaso ko, may ambisyon to tsong.. pag yumaman ako.. balak kong bilhin ang Pilipinas.. haha.
O sige ‘tol, kasi baka mahalata na naman akong iba ang ginagawa ko dito sa opisina. Mag-ingat ka lagi… lalo na sa mga mandurugas.. alam mo naman ang kasabihan.. ang mandurugas.. galit daw sa kapwa mandurugas.. kaya ingat ka lagi. Teka maalala ko… nangangayayat ka daw? Baka iba na yan.. nagdro-droga ka ba? Wag ganun.. masisira lang ang kinabukasan mo nyan.. sige ka.. baka mabaog ka.. di ka na magkaanak.. hahaha
Sya.. pinapaalala ko lang na sa weekend may gimik tayo ulet.. birthday daw nina Kimpoy at Berting.. imbitado tayo.. pero tayo lang.. hindi daw kasama yung mga nagpapanggap na kapamilya natin. Birthday din ng pamangkin natin sa Huwebes.. pilitin mong pumunta kahit alam kong hindi kakayanin ng oras mo. Ipa-tune up mo na rin daw si Henyetah.. nagagalit na sya. Tsaka magtipid ka masyado kang magastos. Itayo mo ang bandilang Ilokano.. di ba pag ilokano kuripot daw.. kaya kailangang kuripot ka rin.
Tandaan mo lang.. hindi ka pababayaan ng mga kaibigan mo.. marami sila.. mag-ambag lang sila ng piso-piso baka makaipon ka pa ng isang milyon.. ganun sila kadami.. isipin mo na lang na nadyan sila lagi. Wag mo ng isipin yun.. kung di ka na nya iti-text o icha-chat.. pabayaan mo na.. mukhang di ka naman importante sa kanya eh. Huwag mo ng itext kahit kelan pag di pa sya nagreply. Mag-invisible ka na rin sa YM, o kaya i-ignore mo na lang sya. Mabisa yun.. tulad ng ginawa mo sa iba. haha. Ang importante.. mahalaga. ganun lang dapat yun. Teka napapahaba na ang sulat ko sa’yo.. magpakabait ka lagi.. kumain ka ng marami.. umiwas ka sa tukso.. lalo na yung tukso ni taning.. hahaha.
Gumimik ka na lang ng gumimik pag nalungkot ka ulet. Pwede mo ring subukang mag-drugs para maiba naman. O kaya kumain ka ng marami hanggang sa mabundat. Kamustahin mo naman si Ateng.. baka kasi makalimutan ka na nun.. di mo na kasi ini-email. Wag ka na ring magpost dun sa tambayan mong forum.. puro mga walang kwenta ang mga nandun.. walang alam kundi magtraidoran. Wag mo na ring kausapin ung isa mong kaopisina dun na bisakol.. kasi mukhang bisakol naman na punggok.. hahaha.
bago ko makalimutan… gumising ka ng maaga lagi para di ka nale-late.. sa tanda mong yan lagi ka pa ring late. Magpaka-propesyonal ka naman.. buset ka! Iwasan mo na rin ang yosi.. nakakabata yan. kung pwede rin wag na ring uminom ng alak.. nakakamatay din daw yan. basta tandaan mo lahat ng mga bilin ko. tsaka magsimba ka para naman makakita ka ng Pari. baka kasi di mo na alam ang itsura nila.
o sige.. aalis na ako.. meron pa akong tatapusin… hehe.. puro na lang kasi meeting kaya minsan tinatamad akong magtrabaho.. sige.. trabaho na muna ako.. hehe.. lapit na rin kasi ang uwian.. ingat lagi.
Nagmamahal ng lubos,
Richard
PS. Magsipag ka namang magtext… ungas ka!
June 24th, 2008 at 9:20 pm
hahahaha! sobrang natawa ako d2! kaiba ka!
June 24th, 2008 at 10:03 pm
adik eh.. sinulatan ang sarili
June 24th, 2008 at 10:48 pm
masyado naman tong papansin. wehehe! mukhang malalang problema yan ha. di madadaan sa gamot yan….
June 24th, 2008 at 10:50 pm
walang pakealamanan
June 25th, 2008 at 1:02 pm
ayos. ibang level na to. split personality. bagong gimik. haha
June 26th, 2008 at 1:51 am
just blog hopping..
June 26th, 2008 at 1:19 pm
@kimpoy: nyahaha.. wala lang akong magawa nung isang araw kaya nasulat ko yan.. masarap din palang kausapin ang sarili paminsan minsan
June 26th, 2008 at 1:20 pm
@jham : salamat po at natisod mo ang blog ko
June 26th, 2008 at 1:37 pm
at kelan ka pa magpapakabait huh? tsong magkaka WWIII pag naging mabait ka na?
Basta isa lang masasabi ko sa iyo… kapag tayo ay may lakad at ikaw ay nale-late.. naiisip ko either nakaposas ka pa sa kama mo at may mala
in cat suit kang customer o kaya’y ilang MMDA island ang sinuro ng magaling mong kotse!
Ayun..magpakabuti ka lagi at umiwas sa malas… yup read it… mga pandak na tulad ni GMA mapatrabaho o mapa sa tinatambayan mo sa world wide web…. at medyo iwasan ang pagiging charitable sa lahat ng matipuhan kaya ka namamayat lalo’t napalapit ka na naman sa dating tagpuan mo kung saan namulat ang iyong kamalayan… yup (read it: QC Memorial Circle)!
Hayan napahaba na itong sinusulat ko… kasing haba ng iyong………
Pasensiya! Asa ka pang yung
ang tinutukoy ko !
June 26th, 2008 at 2:07 pm
ang haba ng comment at.. muntik mong kabugin ang entrty ko.. hahah
ungas ka
June 27th, 2008 at 11:49 am
hahaha!
kilala ko bayang Eggmond na yan?
June 27th, 2008 at 1:30 pm
haha.. kilalang kilala mo yan
June 27th, 2008 at 11:20 pm
sulat pala sa sarili to, kala ko nman…
mukang luv na luv mo ex mo ah, yihii… move on dude. hehe…
July 1st, 2008 at 11:01 am
naka move on naman na ako ah
July 2nd, 2008 at 11:10 am
it was fun…
i was reading it slowly, akala ko friend mo nagsulat…
kaw din pala, relax lang…
sana palagi kayung mag kasundo ng sarili mo…
hv a nyc day!!!
July 2nd, 2008 at 11:27 am
haha.. kasundo ko naman lagi si Clark Kent eh
Thanks for dropping by
July 8th, 2008 at 10:35 am
talaga lang ha…Clark Kent??? Hehehe…
July 8th, 2008 at 11:17 am
Shhhhshhh! wag ka maingay siklet lang natin yan.. .hindi dapat malaman ng sambayanan na alter ego ko si Clark Kent
October 27th, 2008 at 6:55 pm
sinong makakaisip gumawa ng ganitong idea???
SINO?????????
wala akong maisip!
Richard, SIMPLY GENIUS!!!
November 5th, 2008 at 10:27 am
loko… di ako genius…
makulet lang talaga